Ang pagmamaneho mula sa Toronto, maaari mong maabot ang katimugang bahagi ng Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario sa loob lamang ng tatlong oras. Kung susundin mo ang haywey hanggang sa pagpasok sa hilaga, aabutin ng isa pang pito-at-kalahating oras na ang rehiyon ay ganoong kalaki. Ang mga paliparan sa North Bay, Sudbury, Sault Ste. Marie at Timmins ay nag-aalok ng araw-araw na mga paglipad sa Pearson International Airport ng Toronto at ang Billy Bishop na Airport ng Lungsod ng Toronto at iba pang mga lungsod sa Canada.
Makikita mo na ang mga presyo ng pabahay sa buong rehiyon ay mas mura kaysa sa Greater Toronto Area (GTA) at iba pang mga lungsod sa buong Canada. Sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario ang dominanteng wika ay Ingles, at maraming mga tao ay nagsasalita rin ng Pranses. Natuklasan namin na ang mga wika ng Timog Asyano at Intsik ay lalong naririnig sa mga maliliit na sentro, kasama sa mga iba na mula sa buong mundo, tulad ng Polish at Espanyol. Ang mga orihinal na naninirahan sa rehiyong ito - ang mga katutubo ng Algonquin, Ojibway at Cree na nasyon - ay nakatira pa din dito, at ang bawa't grupo ay may kanilang sariling wika.
Ang bawa't isa sa apat na mga sentrong lungsod ay may isang ahensya ng paninirahan ng bagong dating, at ang mga ito ay nag-aalok rin ng mga serbisyo sa paninirahan sa mas maliit na mga sentro. Makikita mo na ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Ontario o sa Canada ay madaling makukuha sa mga ahensya ng paninirahan o on-line.
The video begins with a graphic showing flags from all around the world, zooming in on the Vietnamese flag. A man standing proudly and smiling and to the left is a box that reads Guy, Vietnam Owner: Ha’s restaurant Sundridge Ontario.
Guy says My name is Guy Tran. I was born in Vietnam. My parents and me and my brother immigrated in 1979.
Guy is looking at the camera.
Guy says My dad got a job at the village restaurant in Burk's Falls and it was a diner at the time. But, the owner quickly found out my, my dad's culinary skills as a Chinese food chef and they quickly converted the village restaurant into a Chinese food restaurant. Major families in Sundridge urged my parents to come and set up shop here, and that's how Ha’s Restaurant started.
Guy and his wife walk out of Ha’s restaurant
Guy and his wife enter a car and begin to drive down the street.
A picture of Guy and his wife on their wedding day shows on screen.
Guy says My wife and I grew up here.
Guy and his wife in their kitchen, Guy’s wife is on the phone while drinking tea.
Guy says We're Northern people. We have lots of experience with local customers and we have a great rapport with them
Guy is looking at the camera.
Three kids get off a bus and run to their parents (Guy and his wife) they have a group hug.
Guy is looking at the camera.
Guys says We have three kids and they're just rambunctious, energetic people. it's great for them to, you know, to go to school and have some good interaction with, other kids.
Guy and his family walk into their home.
Guy says And they love being outdoors, they love fishing, you know, swimming, boating. We try to give our kids every opportunity and every experience we can.
Kids are riding ATV’s around, through tall grass and on the street.
Guy’s wife is looking out a window laughing and watching her kids play outside.
Guy and his sons are playing table hockey in their basement
Guy says Growing up north is, is a great place to, for them to have, you know, a good chunk of Canadiana.
A kid is riding an ATV around in the snow.
His oldest son is playing drums.
His daughter is sorting out candy with the help of her mother.
Guy says I think our family is a testament to what can be done if you just put your mind to it and if you're not afraid to take chances. It is worth it.
Guy is looking at the camera
On screen text reads Can you describe Northeastern Ontario in one word?
Guy is looking at the camera, then one after the other, people from a variety of ethnic backgrounds say there answer to the camera
Guy says Family
Female 1 says Safe then speaks in her native language
Male 2 says Friendly
Male 1 says Home
Female 2 says Community and then laughs
On screen text reads Your Gateway to the Goodlife is Here. Breathe in a Fresh New Life in Northeastern Ontario.
Mga Serbisyo ng Pamahalaan
May tatlong antas ng pamahalaan sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario: Pederal, panlalawigan at munisipyo. Kailangan mong maging pamilyar sa takdang panahon kung ano ang mga serbisyo ay pederal (pagkamamamayan, mga permanenteng residente na kard, atbp.), panlalawigan (pangkalusugan na kard (health card), lisensya sa pagmamaneho, mga haywey, atbp.) o pangmunisipyo (tubig, alkantarilya, kalsada ng munisipyo, atbp.). Ang mga lupon ng paaralan sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario ay kumakatawan sa Katolikong Ingles, pampublikong Ingles, Katolikong Pranses at pampublikong interes na Pranses, at ay panrehiyong saklaw.
Mga Serbisyong Pangkomunidad
Parehong munisipyo at panlalawigan na mga pamahalaan ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga serbisyo sa komunidad, tulad ng pag-aalaga ng bata at tulong sa kita. Ang bawa't pahina ng komunidad sa site na ito ay nagtatampok ng partikular na impormasyon tungkol sa mga lokal na mga tampok at pasilidad nito, tulad ng pag-aalaga ng bata, mga aklatan, mga kagamitan sa i-sport, at mga aktibidad na kultural at panlibangan.
Pabahay
Ang mga presyo ng pabahay sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario ay mas mura kaysa sa Greater Toronto Area o sa ibang mga lungsod sa Canada. Bagaman nag-iiba-iba ito sa bayan, maaari kang bumili ng magandang tatlong-kuwartong hiwalay na bahay na may garahe ng $200,000 hanggang $300,000. Sa Toronto, ang kaparehong bahay ay maaaring magkahalaga ng mahigit sa $1 milyon. Maaari mong ihambing ang mga presyo ng pabahay dito.
Magtanong sa mga kaibigan, mga kamag-anak o pinakamalapit na ahensiya ng paninirahan para sa pangalan ng isang mahusay na ahente ng real estate sa bayan na interesado ka. Kung ikaw ay bumibili ng bahay, walang gastos para sa mga serbisyo ng ahente ng real estate, at sila ay mayroong mga pinakamahusay na kaalaman tungkol sa mga presyo at lokasyon. Matutulungan ka nila na maghanap ng tamang tahanan, gumawa ng isang alok sa pagbili, at pondohan ang iyong pagsasangla. Ang halaga ng pag-upa ng isang bahay o apartment ay nag-iiba-iba sa buong rehiyon. Maaaring gusto mong maging pamilyar sa mga karapatan at responsibilidad ng pag-upa.
Mga i-sport at libangan
Ang Northeastern (Hilagang-silangang)Ontario ay nag-aalok ng isang malawak na hanay ng mga i-sport at panlibangang mga aktibidad na maaari mong gawin ng mag-isa o kasama ang iyong pamilya tulad ng:
- hiking
- pamamangka
- paligsahan sa kanue
- kayaking
- paglangoy
- pagbibisekleta
- kamping
- snowshoeing
- snowmobiling
- skiing
- snowboarding
- pangingisda
- pangangaso
- bowling
- golf
- tennis
Mayroong mga organisadong pangkat ng i-sport para sa:
- soccer (putbol)
- hockey
- basketbol
- basebol
- softbol
- slow-pitch
- volleybol
- cricket
Maraming mga komunidad ay mayroon ding mga sentro para sa kalakasan ng katawan.
Sa oras na ikaw ay tumira dito, maghanda para sa mga pagbisita mula sa mga kaibigan at pamilya, dahil narito ang mga pangunahing 10 dahilan upang bisitahin ang Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario.
Pamimili at Libangan
Halos bawa’t komunidad sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario ay may mga tindahan upang magbigay ng serbisyo sa iyong pang-araw-araw na groseri, pananamit at pangangailangan sa sambahayan. Nguni’t paminsan-minsan ay malamang na gusto mong bisitahin ang isa sa mga mas malaking sentrong pangrehiyon para sa isang kultural na kaganapan o isang maliit na pamimili. Ang Sudbury, Timmins, North Bay at Sault Ste. Marie ay may mga malalaking tingiang mall, mahusay na pamilihan sa bayan, mga pangkultural na pasilidad at mga paligsahan ng i-sport.
Mga serbisyo ng transportasyon
Para sa paglalakbay sa loob ng Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario ang iyong mga pagpipilian ay magmaneho, lumipad o sumakay ng bus. May mga mapagpipilian sa tren kung naglalakbay kang palayo patungo sa timog, silangan o kanluran. Kung ikaw ay nagmamaneho, lubos naming inirerekomenda na ang mga gulong ay pang niyebe para sa pagmamaneho ng taglamig, at siguraduhing mayroon kang sistemang GPS o magandang mapa ng haywey upang makarating nang ligtas ang iyong patutunguhan. Tiyakin na mayroon kang balidong lisensya sa pagmamaneho sa Ontario. Ang karagdagang impormasyon sa pagmamaneho ay makukuha here.
Mga Serbisyong Pangkalusugan at panlipunan
Ang bayad sa pangangalagang medikal ay sakop ng iyong panlalawigang OHIP kard, na ipinakikita mo sa bawa't pagbisita sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Sinasaklaw din ng OHIP ang mga eksaminasyon sa mata. Ang iyong tagapag-empleyo ay maaaring mag-alok ng isang benepisyong plano na sumasaklaw sa mga bayad sa ngipin at niresetang salamin, nguni’t kung hindi, magbabayad ka sa pagpunta mo. Ang impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan, pagkagumon, mga serbisyo sa bata at pamilya, at iba pang mga programang pangkalusugan ay matatagpuan dito.
Pagkain at Mga Inumin
Sa Northeastern (Hilagang-silangang) Ontario maaari kang makahanap ng ilang mga natatanging mga bagong opsyon sa pagkain at inumin na wala sa iyong sariling bansa. Tamasahin ang isang sariwang pickerel na hapunan kasabay ang isang napakahusay na lokal na craft beer. Bisitahin ang isang sugarbush at umuwi na may ilang mga masarap na maple syrup na matatamasa mo kasama ang iyong Canadian bacon at pancake. Pumunta sa isang French Canadian na kultural na pagdiriwang at tikman ang mga espesyal na pagkain tulad ng poutine, tourtière, at sea pie, isang patong-patong na maraming-karne na pie. Kung dumalo ka sa isang pow-wow o iba pang mga katutubong pagdiriwang maaari mong subukan ang bannock o karne ng mus, partrids o oso. Ang mga lokal na artisano ay gumagawa ng keso, mga pastelerya at hani na hindi dapat malampasan.